Bakit hindi ka dapat makipag-close sa isang tao?

Hindi naman kasi lahat ng tao na makikita mong ngingiti sa’yo ay tunay na mabait. May pagkakataon na ang ipinapakita nila ay kaplastikan lamang dahil may nais silang makuha sa’yo pero kapag nagawa na nilang kunin ang gusto nila, siguradong magbabago rin ang kanilang pag-uugali at ito ang dapat mong isaksak sa’yong isipan.

May mga tao riyan na nagsasabing handa kang tulungan sa oras ng iyong pangangailangan pero kapag dumating na ang puntong kailangan mo na sila ay saka sila magkakaroon ng kung anu-anong dahilan para hindi ka matulungan. Pero, kung pakakaisipin mo, noong kailangang kailangan ka nila ay para silang linta na nakadikit sa’yo. Parang enjoy na enjoy silang sipsipin ang kung anuman ang makukuha nila sa’yo.

Kaya, mas mabuti pang huwag kang makikipaglapit sa sinumang tao lalo na kung hindi mo naman siya kapamilya at hindi mo pa subok ang pagkakaibigan ninyo dahil darating ang oras manghihinayang ka lang sa panahong nasayang noong nagdesisyon kang makipag-close sa kanila. Tandaan mo, hindi lalapit sa’yo ang isang tao kung wala silang kailangan sa’yo.

Kung ayaw mong masaktan sa huli, tigilan mo na ang pakikipag-close sa taong maaaring naghahanap lang ng maaari nilang pakinabangan sa’yo o kaya naman ay nag-iimbestiga sila sa’yo na maaari nilang magamit para bumagsak ka. Kaya, ingat ka sa mga pekeng tao na nasa paligid mo lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here