Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 9, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 9, 2019,  Lunes –  Sasanayin ka ng iyong kapalaran para mamuno at mamahala. Dahil taglay mo ang kakayahang mapaangat at mapaunlad ang anumang bagay o samahang pamumunuan mo. Kung ang iyong kasanayan sa pamamahala ay gagamitin mo sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan, yayaman ka ng ubod yaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong magiging kahilingan. Dahil sa ginawa mong kabutihan noong nagdaang mga araw, bibigyan ka ng prayoridad kaya kagyat ang mga hiling mo ay agad na matutupad. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Nagbabala ang araw na ito na hihina ang iyong resistensya kapag hindi mo hinaluan ng pagsasaya at paglilibang ang iyong trabaho. Kailangan lumabas ka at mamasyal. Puwede ring manood ng sine, mag-food trip o kaya’y mamasyal sa parke at iba pang paborito mong puntahan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Masyado kang natatangay ng iyong damdamin kaya naiisahan ka ng iyong mga kaibigan. Pahalagahan mo ang iyong mga pinaghirapan. Ito ang araw at ito ang panahon na kailangang ikaw ay maging masinop na masinop sa mga biyayang iyong natatanggap upang matiyak ang iyong pagyaman. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag kang magtataka kung tatalunin ng damdamin mo ang iyong isip. Ito ay dahil iiral ang likas mong maawain kaya matutulungan at dadamayan mo na naman ang isang taong hindi karapatdapat tulungan. Pero dahil sa ginawa mong iyan, nakikita ka ng nasa itaas, kaya ang langit ang gaganti sa ‘yo, pagkakalooban ka ng dagdag na suwerte at magagandang kapalarang hindi mo inaasahan.    Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Suwerte ka ngayon at patuloy pa ng patuloy na muling bumabalik ang iyong mga suwerte kaya muling mandidilat ang mga mata ng mga inggit sa ‘yo dahil sa bigo na naman sila sa kanilang panalangin na ikaw ay malungkot.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Pakikialam ka ngayon sa iyong pagdedesisyon ng tadhana. Ang akala mong maling pasya ay magiging mga pagpapala. Magugulat ka habang lumalapit ang kapaskuhan, marami pang mga suwerte at magagandang kapalaran angiyong matatanggap. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)   Ito ang araw para sa ‘yo na kung kailan ay sobrang liligaya ka sa mundo ng pakikipag-relasyon. Wag nang aksayahin pa ang bawat sandali sa ibang bagay dahil dapat ay lagi mong kapiling ang iyong mahal. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi bagay at hindi rin hayop ang pampasuwerte mo ngayon dahil ang mismong mahal mo ay siyang magsisilbing iyong lucky charm. Yakapin mo siya at hagod-hagurin mong lagi ang kanyang ulo na parang aso na inaamo-amo. At saka mo halikan sa pisngi. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Wag mong intindihin ang intriga at mga paninira sa iyo. Dahil ang mga bagay na yan ang bumubuhay ng iyong dugo at nagdadagdag ng suwerte mo. Tunay ngang higit na mas magiging mapalad ka kung may pumapansin sa iyo kaysa sa nabubuhay ng tahimik at nag-iisa. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang araw na sobrang suwerte ka na naman. Kaya anumang hilingin mo sa langit ay ibibigay sa iyo pero may kundisyon. Ang kundisyon lagi mong pasyalan ang mga kamag-anak mong naghihirap at iyong abutan ng kahit na anong tulong  puwedeng pagkain, gamot at puwede ring cash.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw na ang mga suliranin mo ay magiging suwerte mo. Kaya wag ka ng malungkot, sa halip ay magsaya ka at humalakhak. Paparating na ang mga magagandang kapalaran nagkukubli sa maliit na problema na ikagugulat mo ang magiging resulta. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Walang masalimuot na suliranin na hindi mo kayang malutas dahil ikaw ay pinagkaloban ng talas ng isip at kakaibang talino na wala ang ibang tao. Kaya hindi lang ang saliri mong suliranin ang kaya mong lutasin pati na rin ang suliranin ng ibang mga tao, dahil dito gagantimpala ka ng suwerte at magandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here