5 Paraan para di mo maisipan ang mapakamatay

Para sa iba, ang pagpapakamatay ang pinakamagandang solusyon para tumakas. Subalit, hindi mo ito dapat gawin kung ayaw mong maging kaluluwang gala ka lang. Wala na sa mundong ito pero hindi pa rin makahagilap ng katahimikan. Kaya, hayaan matulungan kita sa pamamagitan ng artikulong ito na pinamagatang 5 Paraan para di mo maisipan ang mapakamatay

  1. Huwag kang pupunta sa delikadong lugar. Kapag kasi masama ang loob at lasing ka na, siguradong hindi mo na makokontrol ang iyong emosyon kaya mas maigi pa talagang kapag masama ang loob mo ay pumunta ka na lang sa kusina at kumain nang kumain. Kapag nakapag isip ka kasi ay malalaman mong kalokohan lang ang pagpapakamatay.
  1. Bagalan ang iyong paghinga. Kapag mabilis kasi masyado ang iyong paghinga ay nagiging pabigla-bigla ka rin ng pagdedesisyon. Samantalang kung babagalan mo ang iyong paghinga ay may pagkakataon ka pa para makapag isip ng tuwid.
  1. Ibaling sa iba ang iyong atensyon. Kung masama ang loob mo dahil sa iniwanan ka ng dyowa mo, huwag mo na siyang isipin. Mas maigi pang isipin mo na lang na hindi siya ang taong deserve mo.
  1. Makipag-bonding sa kapamilya at kaibigan. Dahil sa mahal ka nila talaga ay hindi nila hahayaang tanggihan ka nila sa oras ng kailangan mo ng karamay. Makipag-open ka sa kanila at tinitiyak ko sa’yo na makakaramdam ka ng kasiyahan. Hindi mo na rin maiisipan pa ang magpakamatay.
  1. Sabihin mo sa’yong sarili na makaka-recover ka rin. Higit kaninuman, ikaw ang makakatulong sa’yong sarili para makakawala ka sa kadiliman na iyong kinasasadlakan ngayon.

O, sana’y nakatulong ito sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here