Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 6, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 6, 2019,  Biyernes –  Maganda ang pangako sa iyo ng kapalaran para sa iyong kinabukasan kaya ngayon pa lang mangarap ka na ng matataas at malalaki, tutal naman, anuman ang pangarapin mo ay tiyak namang matutupad. Mapalad  ang kulay na red. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Alisin mo ang iyong pagaalala na may kaugnayan sa iyong kinabukasan, dahil dapat na ang mag-alala para sa iyo ay ang kapalaran. Sapagkat bago ka pa isinilang inilista na ang pangalan mo sa aklat ng mga masusuwerte at mapapalad, kaya may nakaayos ng pangyayari sa iyong kinabuakasan – ito ay ang ikaw ay yayaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Makipagkuwentuhan ka ngayon sa ilang malalapit sa ‘yo dahil mula sa kanila ay may makukuha kang pormula ng iyong tagumpay. Sundin mo ang mga ito ng letra-por-letra at makikita mo, ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Pansamantala lang naman ang problema mo. May mga pagkakataon talagang naaantala ang iyong suwerte, pero bukas-makalawa, magugulat ka pa, muli na namang papabor sa ‘yo ang magagandang kapalarang hindi mo inaasahan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maganda ang pangako mo para sa iyong kinabukasan kaya lang ang hindi maganda sa ‘yo ay ang kapus na kapus ka sa pagkilos. Kumilos ka ng kumilos at sipagan mo pa, upang sa ganon paboran ka ng nasa itaas  at kapag pumabor sa iyo ang nasa itaas, siya mismo ang magbibigay sa ‘yo ng dagdag na suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ibasura mo ang mga taong naging sanhi ng iyong kalungkutan, lalo na silang mga plastic na kaibigan at pagkatapos maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Gawin mo ito nang sa gayon ay magkaroon ka ng mga bago at mas magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Ibig sabihin anumang bagay o pangarap ang nais mong makamit, tiyak na ito ay iyong mahahawakan. Iunat mo na ngayon ang iyong mga kamay at ihakbang ang iyong mga paa. Wag kang matakot, abot na abot mo na ang tagumpay at malaking suwerte na noon pa inihanda sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na silver.  Masuwerteng numero 5, 14, 23, 32, 36, at 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Kakaibang lakas at kasiglahan na nakamamangha ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa araw na ito. Kaya anuman ang mga binabalak mong gawin ay tiyak na matatapos mo. Mananaig ka rin ngayon sa lahat ng kokontra at kakalaban sa ‘yo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Suriin mo ang iyong sarili. Baka sumosobra na ang iyong tiwala, at naiirita na sa iyo ang iyong mga kasama. Ito ang araw na kailangang magkuwanri kang mahina, upang hindi ka nila kainggitan at pagtangkaing ibagsak. Sa bagay, kahit mainggit pa sila ng mainggit sa ‘yo at tanggkain ka nilanhg ibagsak, mangapapahiya sila dahil patuloy kang aangat at tataas ng taaas ng napakataas hanggang sa hindi ka na nila maabot. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Pag-asenso, ito ang kahulugan ng araw na ito para sa’yo. Magniningas ang hangarin mong umasenso nang umasenso hanggang sa maabot mo ang iyong mga ambisyon. At sa bandang huli hindi lang  ang ambisyon mo ang iyong maabot gagantimpalaan ka rin ng langit ng malaking pagyaman.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Limitahin mo pang lalo ang iyong mga pangarap, kung baga, unahin mo ang para sa ‘yo at wag nang isipin ang para sa iba nang sa gayon ay mapabilis ang iyong pag-unlad at ang tiyak na pagyaman.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wag mong panghinayangan ang mga nawala sa ‘yo. Sila dapat ang manghinayang dahil sa wala ka sa buhay nila. Magtatangka silang bumalik “pero ‘wag na!” Yan ang sabihin mo sa iyong sarili. Sa pagbabagong buhay na wala sila, mas madali mong maaakit ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magpatangay ka lang sa saya at sigla ng mga taong sa iyong paligid,  dahil habang nagpapatangay ka, ang kanilang suwerte at magandang kapalaran ay malilipat sa iyo.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here