Chinese Horoscope; Disyembre 6

DAGA (RAT)

May kakaharaping pagsubok at hindi mo maiiwasan na hindi mag-alala. Subalit huwag masyadong matakot dahil hindi ka pababayaan ng mga taong nakapaligid sa’yo. Sila ang nakakaunawa at makakatulong sa problema mo.

Masuwerteng numero; 11,21,26,34

BAKA (OX)

Iwasan ang pagtingin sa malayo dahil nasa tabi mo lang ang tao na tunay na nagmamahal sa’yo. Kahit na ano pang gawin mong pag-iwas sa kanya ay hindi mo siya mapapaalis sa tabi mo dahil hindi siya mabubuhay nang wala ka.

Masuwerteng numero; 3,5,10,15

TIGRE (TIGER)

Walang tao o sitwasyon ng panahon na makakahadlang sa plano nyong pagbibiyahe ng iyong mahal. Ito na ang araw na pinakahihintay nyo kaya rain or shine ay itutuloy nyo ang inyong pag-alis. Aangkinin nyo ang maghapong ito.

Masuwerteng numero; 25,43,54,58

KUNEHO (RABBIT)

Dahil sa tindi ng iyong emosyon ngayong araw ay hindi mo maiiwasan na magwalk out sa isang pagpupulong. Ang araw na ito ay mapupuno ng iyong pagsesentimyento kaugnay sa isang usapin na walang gustong makinig.

Masuwerteng numero; 32,41,55,60

DRAGON (DRAGON)

Labis mong ikababahala ang hindi pagpaparamdam ng taong mahal mo. Kung anu-anong hindi magagandang senaryo ang maiisip mo kaya naman lahat ng paraan ay gagawin mo malaman mo lang na siya ay nasa mabuting kalagayan.

Masuwerteng numero; 57,60,69,71

AHAS (SNAKE)

Dahil sa lamig ng panahon ay makakaramdam ka ng katamaran. Kaya naman ang mga gawain na dapat mong tapusin ngayon ay maisasantabi. Wala kang gustong gawin kundi magpahinga at tapusin ang araw kahit wala kang nagawa.

Masuwerteng numero; 24,35,38,39

KABAYO (HORSE)

Mabibigyan ka ng pagkakataon para maipaliwanag ang pagkakamaling iyong nagawa. Hindi mo man ito maitama, at least ay makakahingi ka ng tawad at sa susunod na pagkakataon ay sisiguraduhin mong hindi mo na ito uulitin.

Masuwerteng numero; 40,41,55,57

TUPA (SHEEP)

Hindi maganda ang makialam sa gamit ng isang tao kahit pa lubos itong malapit sa puso mo. Subalit hindi mo inaasahan na ito ang magiging daan upang matuklasan mo ang isang natatagong lihim at labis mo itong ipagdaramdam.

Masuwerteng numero; 13,15,18,19

UNGGOY (MONKEY)

Magiging exciting ang araw na ito para sa’yo dahil ngayon ay masisimulan mo na rin sa wakas ang pinakamimithi mong proyekto. Umaasa ka na ito ang magdadala sa’yo sa popularidad kaya pagbubutihan mo.

Masuwerteng numero; 34,46,57,68

TANDANG (ROOSTER)

Habang umiisip ka ng paraan kung papaano ka niya mapapansin ay abala na siya sa pagtingin sa’yo. Hindi mo ito malalaman sa salita dahil wala siyang balak ipaalam. Gayunpaman ay mahahalata mo na ito sa kanyang mga kilos.

Masuwerteng numero; 2,4,5,8

ASO (DOG)

Haharap ka ngayon sa isang malaking pagsubok at ngayon mo malalaman na hindi lahat ng nakangiti sa’yo ay mahihingan mo ng tulong. Pili lamang ang mga tao na magkukusa para iabot sa’yo ang kanilang tulong.

Masuwerteng numero; 10,12,14,19

BABOY (PIG)

Ikaw ang magiging sentro ng atraksyon sa araw na ito dahil sa magandang bagay na iyong magagawa. Marami kang mapapasaya kaya naman magiging maganda ang tingin sa’yo ng lahat. Panatilihin mo lamang na nakaapak ang mga paa mo sa lupa.

Masuwerteng numero; 35,40,51,60

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here