Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 5, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 5, 2019,  Huwebes –  Walang tigil ang pakikipaglaban mo sa mga hamon ng iyong kapalaran kaya naman wala ring hinto ang iyong panalo dahil sa bawat laban mo ang panalo ay para sa iyo at hindi lang panalo, bagkus hanggang sa ikaw ay yumaman ng yumaman dahil ang pagyaman ang talagang nakatakda sa ‘yo.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Malalaglag sa iyong harapan ang mga bituin sa langit, na ang ibig sabihin ay sila na mga mayayabang at dating nanlait sa iyo at mga nagmamataas ay unti-unti ng magsisibagsak at mga mapapahiya, habang ikaw naman ay patuloy na aasenso at aangat ng aangat ang iyong kabuhayan.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sino ang pinaghaharian ng pagaalinlangan pero nakatatanggap ng mga biyaya mula sa langit? Ikaw! Kaya naman dapat kang laging magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa at sa mga nangangailangan, upang mas marami pang biyaya at mga pagpapala ang dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Iyo ang araw na ito. Kung may kahilingan ka sa langit, ngayon mo na sabihin kung may gusto kang mangyari, ngayon din ang tamang pagkakataon upang ito ay magkaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Buwan na ng Disyembre ngayon, ibig sabihin malapit na ang pasko, kaya wag kang magmukmok. Binuksan na ng langit ang kanyang bintana para sa iyo, lumabas ka lang ng bahay ngayon at isa-isa ng mahuhulog mula sa itaas, ang kinakailangan mong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green at red. Masuwerteng numero 7, 10, 28, 34, 38, at 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Habambuhay na tatanglawan ka ng Haring Araw. Ibig sabihin, kahit kailan ay hindi magdidilim ang iyong kapalaran. Isa kang sobrang masuwerteng nilalang.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Gampanan mong mabuti ang iyong papel ngayon sa mundo na mgapasaya ng isang taong nagiisa sa buhay dahil siya ay iniwan ng kanyang mahal. Kapag nagawa mo yan, ang langit mismo ang magbibigay sa iyo ng napakalaking gantimpala. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Pagaani! Ito ang isa pang pangalan ng araw na ito para sa ‘yo. Aanihin mo ngayon ang bunga ng mga ipinakita kabutihan, galing at husay. Maraming mga suwerte at pagpapala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang magbago ng layunin at ng inaasam-asam mo sa buhay. Nakikita ng nasa itaas ang mga ginagawa mong pagsisikap, kaya naman nagpasya ang langit na isa-isa ng ipagkaloob sa iyo ngayon ang iyong mga minimithi at inaasam-asam sa buhay.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Babagal ang iyong buhay ngayon pero walang kasingsaya at sarap para sa iyo ang mga kaganapan. Malilibang ka at iyong makalilimutan ang tungkol sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sobrang tamis ang bunga ng inani ng hinog sa puno. Wag kang magmadali ng sa gayon ay hindi pumangit ang bunga ng iyong mga pagsisikap at pagpapagod. Basta’t kumilos ka lang ng suwabeng-suwabe araw-araw, hindi nagmamadali pero patuloy na nagsisikap, darating ang panahong gagantimpalaan ka rin ng langit – matutupad ang lahat ng gusto at pangarap mo sa buhay.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Habang ang iba ay nagsasaya, ikaw naman ay makabubuo ng pangarap. At ang maganda nito, ang pangarap na bubuuin mo ngayon ay papayagan ng langit na magkaroon ng katuparan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Idinadaan ka sa mga pagsubok para maging matatag ka dahil ang malalaki at mabibigat na magagandang kapalaran ay para lamang sa matatag at matitibay na kagaya mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here