Chinese Horoscope; Disyembre 5

DAGA (RAT)

Magagawa namang iwasan ang alitan kung kakalimutan na lang ang nakaraan at hindi na ito hahayaan pa na maging daan ng hindi pagkakaunawaan at ng mas malalim pang hidwaan. Panahon na para tuluyan itong isara.

Masuwerteng numero; 4,14,15,21

BAKA (OX)

Isang kaibigan ang aabuso sa iyong kabaitan. Sa halip na ipahiya siya sa harap ng maraming tao ay kausapin na lang siya ng masinsinan upang maunawaan niya ang kanyang nagawa at hindi na ito ulitin pa.

Masuwerteng numero; 32,35,46,50

TIGRE (TIGER)

Sa araw na ito ay mapipilitan kang ipahinga ang isip mula sa social media. Kaya naman makakaramdam ka ng kaginhawahan sa mata, katawan at isipan. I-enjoy mo lang ang araw na ito at gawin ng madalas hangga’t maaari.

Masuwerteng numero; 11,20,28,37

KUNEHO (RABBIT)

Malaki ang posibilidad na dumating ngayon ang pinakahihintay mong suwerte. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging positibo sa bawat oras na lilipas at makikita mo ang pagdaloy ng suwerte ngayon sa iyong harapan.

Masuwerteng numero; 3,13,24,36

DRAGON (DRAGON)

Hindi magiging maganda ang pakiramdam sa araw na ito dahil sa sakit ng ulo at sipon. Gayunpaman, hindi ito magiging hadlang upang ipagpatuloy mo ang mga gawain ngayong araw na ito. Ayaw mo rin na matambakan.

Masuwerteng numero; 33,56,57,69

AHAS (SNAKE)

Mapipilitan kang magpakumbaba sa iyong mahal alang-alang sa inyong pagsasama. Kahit pa magiging masakit sa iyong kalooban ang kanyang nabuong pasya ay wala kang magagawa at ikaw pa rin ang siyang aayon sa kagustuhan niya.

Masuwerteng numero; 21,32,43,54

KABAYO (HORSE)

Hindi mo mapipigilan ang iyong karelasyon sa binabalak niyang pag-alis. Kahit alam mo na hindi ito makakabuti sa inyong relasyon ay buo na ang kanyang desisyon. Gagawin niya ang gusto niya sa ayaw mo man o sa gusto.

Masuwerteng numero; 38,39,46,55

TUPA (SHEEP)

Ingatan ang sariling kalusugan. Lapitin ka ngayon ng sakit kaya kakailanganin mong piliin ang iyong mga kinakain. Hangga’t maaari ay iyon munang mga may sustansya at iwasan na ang mga paborito mong junk foods.

Masuwerteng numero; 13,25,26,40

UNGGOY (MONKEY)

 Sa wakas ay nasa kamay mo na ngayon ang pinakahihintay mong proyekto. Maging maingat at metikuloso sa paggawa nito. Dapat mong tutukan ang bawat detalye at huwag kakalimutan na isali ang puso sa paggawa nito.

Masuwerteng numero; 32,41,58,66

TANDANG (ROOSTER)

Magiging masaya ang maghapong lilipas dahil makakasama mo ang taong pinakamamahal mo. Ang bawat oras ay mapupuno ng pag-ibig ninyong dalawa. Hayaan lang ang iba na kokontra dahil wala naman silang magagawa.

Masuwerteng numero; 63,65,78,79

ASO (DOG)

Malalagasan ka ngayon ng todo sa pinansiyal na aspeto dahil sa isang okasyon. Sa mga ganitong pagkakataon ay kailangan mong matutunan na kontrolin ang iyong sarili kung paano mo dapat ba-budgetin ang iyong pera.

Masuwerteng numero; 12,22,30,35

BABOY (PIG)

Huwag nang magpatumpik tumpik sa trabaho. Isantabi mo na muna ang mga gawain na walang kinalaman dito at wala rin namang maitutulong sa’yo. Maging matalino sa pagpapasya at paghandle ng iyong oras.

Masuwerteng numero; 10,15,17,19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here