Tips para manatiling Slim

Kung ibig mong manatiling maganda at kaakit akit sa’yong mahal, di lang dapat pag aayos ang iyong gawin. Makabubuti rin kung panatilihin mong sexy ang iyong pangangatawan para lagi kang kaakit akit sa paningin ng iyong mahal Kaya makabubuting basahin mo ang artikulo na ito para alam mo ang ilang Tips para manatiling Slim.

Una, mag ehersisyo. Alam mo naman siguro na ito ang pinakamabisang paraan para manatili kang payat kaya gawin mo itong regular. Makabubuti rin kung magsasabay kayo ng mister mo sa pag eehersisyo para magkaroon kayo ng bonding. Sabi rin ng mga mananaliksik, ang pakikipagtalik daw ay mabisang paraan ng pagpapapayat dahil sa pagala ng mga muscles ay nababawasan ka ng 150 calories sa bawat pakikipagtalik.

Pangalawa, kumain ng masusustansiyang pagkain. Prutas at gulay ang mabisang pampapayat pero kailangan din namang mayroong kanin pero limitahan lang sa isang cup. Kahit naman on diet ka, kailangan ding may protein ang iyong katawan kaya makabubuting mag isda ka. Okay din naman paminsan minsan ay kakain ka ng manok, beef at pork. Iwasan mo lang sana ang inuming matatamis kaya magtubig ka na lang at pagkaing sobrang alat dahil di ‘yan makatutulong sayo. Maigi rin na bago ka kumain ay uminom ka muna ng maraming tubig para bago ka kumain ay mabubusog ka na.

Pangatlo, huwag magpupuyat. Matulog ka nang maaga para hindi lumobo. Ang pagpupuyat kasi ay matinding dahilan kaya tayo tumataba. Masarap naman kasi talagang makipag bonding sa’yong mister hanggang madaling araw pero kung talagang gusto mo na magkaroon ng kaakit akit na pangangatawan, iwasan mo ang pagpupuyat.

O, kaya mo bang gawin ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here