Chinese Horoscope; Disyembre 4

DAGA (RAT)

Hindi lahat ng naririnig mo ay dapat mong paniwalaan. Tulad ngayon na makakarinig ka ng mga salitang laban sa’yo pero hindi ka pa naman sigurado kung ito ay nanggaling nga sa tao na tinutukoy ng nagkuwento.

Masuwerteng numero; 35,42,56,65

BAKA (OX)

Kung nakapagtiis ka ng ilang taon para sa paghihintay sa isang malaking oportunidad, siguradong magagawa mo rin na habaan pa ng konti ang iyong pagtitiis dahil sa huli ay masusungkit mo rin ang iyong pinakaaasam-asam.

Masuwerteng numero; 21,29,33,37

TIGRE (TIGER)

Isang dating kaibigan ang mangangamusta para manghiram ng pera. Kung wala kang maitutulong ay hayaan na lang siya at huwag nang ipahiya sa social media dahil hindi mo alam ang tunay niyang pinagdadaanan kaya kinakapalan na lang ang mukha.

Masuwerteng numero; 4,13,21,40

KUNEHO (RABBIT)

May mga bagay na sadyang mahirap ipaliwanag, gayundin sa damdamin. Kaya kung magbago man ang pagtingin sa’yo ng isang tao ay dapat mo na lang itong tanggapin. Ang mahalaga ay wala kang intensyon na masama sa kanya.

Masuwerteng numero; 16,19,23,25

DRAGON (DRAGON)

Papabor sa’yo ang tadhana sa araw na ito. Ang inaasahan mong angyari ay magaganap.Hindi ka na mahihirapan pa at sa isang iglap ay ang nais mo ang siyang susundin ng lahat. Maging alisto lang sa mapanirang tao.

Masuwerteng numero; 34,46,50,59

AHAS (SNAKE)

Iwasan ang pakikipagtalo sa social media sa usaping pulitika. Kaaway lang ang mahahanap mo at hindi ang pagbabago na nais mo. Kung nais sabihin ang opinyon ay respetuhin din ang opinyon ng iba tungkol dito.

Masuwerteng numero; 12,21,28,30

KABAYO (HORSE)

Magiging mailap pa ang suwerte sa pag-ibig. Huwag malungkot kung hindi pa ito ang araw na hinihintay mo para matagpuan ang tao na magmamahal sa’yo ng tunay. Malaki pa ang posibilidad na dumating siya sa tamang panahon.

Masuwerteng numero; 45,53,63,75

TUPA (SHEEP)

Ang magulong araw mo nitong mga nakaraan ay babalik na sa normal ngayon.Kaya naman magagawa mo na ulit ang mga gawaing dapat ay natapos mo na. Asahan na makakapagrelax ka na rin sa mga susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 1,11,20,32

UNGGOY (MONKEY)

Mabubuhayan ka ng loob dahil sa isang mensaheng matatanggap through email. Kahit papa’no ay mapapanatag ka na at makakamove forward sa iba pang trabaho na dapat mong binibigyan ng sapat na atensyon.

Masuwerteng numero; 24,25,36,39

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka mapapakali ngayong araw dahil alam mo sa sarili na may nagawa kang pagkakamali sa isang kaibigan. Mas makakabuti kung itutuwid mo na ito bago pa man niya malaman upang hindi ka na mahirapan.

Masuwerteng numero; 4,8,15,17

ASO (DOG)

Kahit na wala kang masamang tinapay sa iyong kapwa ay hindi pa rin maiiwasan na may mga taong mainggit sa’yo. Lalo pa at mas maganda ang kalagayan mo sa kanila. Subalit pipiliin mo pa rin na huwag nang pumatol.

Masuwerteng numero; 32,53,56,69

BABOY (PIG)

Ang hindi pagtugon sa mga taong alam mo namang manloloko ay isang magandang aksyon para makaiwas ka sa kanila. Magiging maganda ang araw mo kung mapaninindigan mo ang aksyong ito hanggang sa matapos ang maghapon.

Masuwerteng numero; 58,61,70,79

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here