AVOIDING BREAK-UP: Totoo Nga Ba ang “Five Year Itch”?

Sa isang relasyon na umabot na ng 5 years, hindi maiiwasan mapa-isip minsan ng mga taong nasa ganitong relasyon kung kaya pa bang mas tumagal ng relasyon nila. Kapag kasi komportable na ang partners sa isa’t isa, maraming bagay na ang hindi katulad dati. Feeling rin nila minsan ay nagiging cycle na lahat. Read on.

Sa relationships, mayroong tinatawag na “5 Year Itch”, o yung parang nag-sasawa na ang mag-partners sa isa’t isa kaya napapaisip o sumasagi sa utak nila na mag-hiwalay na. Ang pakiramdam na ito ay medyo confusing dahil hindi alam ng taong nakakaramdan nito kung dapat ba niyang sundan ang puso niya o baka pansamantala lang ito na phase sa relasyon nila.

Para sa akin na malapit na pumunta sa isang 5 year-relationship, tinatanggap ko na maaaring may mga nakakaisip na posible ito, pero hindi ito applicable sa lahat ng tao. Kung ikaw halimbawa ay nararamdaman na ito, gusto kong basahin mo ito para mas maliwanagan ka na pwede mo itong malampasan.

1. Kung may goals kayo as a couple, hindi mo maiisip yan

Magsisimula ang lahat sa couple goals. Ang couples ay hindi nagiging couples dahil gusto lang nila ng past time. Kung wala kayong goals as partners, might as well rethink how you want your relationship to be. Dapat isipin ninyo kung ano mga gusto ninyo mangyari in 2 years time, 5 years time hanggang siguro 10 years time. Mag-usap kayo tungkol dito at pag nakita ninyo na ang purpose ninyo as a couple, mas malakas ang posibilidad na mawala ang nararamdaman mong yan.

2. Kung naka-sentro ang relasyon ninyo sa Panginoon, ni hindi rin magko-cross sa utak mo yan

Pray together! Lagi mo iisipin na ang pagdadasal na magkasama ay sobrang magpapatibay sa relasyon ninyo. Pray before you eat, sleep and whenever you are doing Bible devotion. Kung puro sa sarili ninyo na lang tumatakbo ang buhay ninyo, namumuhay kayo sa mga temporary things dito sa mundo.

3. Boring can be exciting

Tandaan mo na hindi araw-araw masaya. May days talaga na parang nasa routine kayong dalawa, but that’s perfectly okay. You have to get past that and accept reality as it is. Lalo kung may goals na kayo, dapat tanggapin mo na may days na hindi kayo makakapag-date dahil sa work at pag-iipon ninyo. Hindi pwedeng irason mo ang “5-year-itch” para i-justify na nabo-bore ka sa relasyon ninyo. Kapag bored ka, problema mo yan, hindi problema ng partner mo na marahil ay nagtatrabaho ng mabuti para sa inyong dalawa.

4. It’s all in the mind

Nasa utak mo lang yan, malamang. Dapat ay hindi ka magpapadala sa ganitong klase ng mga trends para lang mas magkaroon ng spice ang relationship mo. Tandaan mo na wala ka sa fairytale, kung hindi nasa reality. Give your partner a break from all your rants and demands. Kung gusto mo ng spice at excitement, be creative and think of a way to get over your immature feelings.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here