PAANO BA MAA-ACHIEVE ANG NO-MAKEUP LOOK

Popular man recently ang mga makeup tutorials at kahit dumarami man ang mga nagkakainteres sa pagme-makeup, may mga ilan pa rin ang mas gusto ang natural look. Sa kasamaang palad, hindi naman lahat tayo ay blessed at may kakayahang mag-post ng #wokeuplikethis sa instagram. Pero huwag mag-alala puwede pa rin nating ma-achieve ang no-makeup look sa tulong ng ilang skincare and makeup tips.

MAG-EXFOLIATE REGULARLY

Ang no-makeup look ay nangangailangan ng smooth and clear skin. Paano ito maa-achieve? Mag-exfoliate one to two times a week. Hindi lamang nakakatulong sa pag-alis ng dead skin ang exfoliation, nakakatulong din iyon sa mas mabuting pagdaloy ng dugo sa mukha dahil sa marahang pagmamasahe na ginagawa habang nage-exfoliate. Ang magandang daloy ng dugo ay nakakatulong sa pagbibigay ng bright and rosy skin.

KALIMUTAN ANG FOUNDATION

Kung gusto mong maging natural-looking, kalimutan mo muna ang foundation mo, instead gumamit ng sheer moisturizer na may light reflecting properties. Ito ang sikreto para maging moist at glowing ang skin. Huwag ding kalilimutang maglagay ng sunscreen pagkatapos para maprotektahan ang balat laban sa harmful UV rays.

GUMAMIT NG CONCEALER

Kung may blemisheso redness na gustong takpan, maglagay ng concealer gamit ang concealer brush. Kung ang problema mo ay ang dark undereyes, huwag kang mag-alala kaya pa ring solusyonan ‘yan ng concealer. Gamitin ang ring finger sa paga-apply. Basta light lang ang pagpa-pat dahil delicate ang skin sa paligid ng mata. Ang madiing pagpahid ng concealer o kahit anong makeup or skincare products ay maaaring magdulot ng fine lines at premature wrinkles.

Maglagay ng translucent powder gamit ang powder brush para ma-control ang oiliness.

GUMAMIT NG CREAM EYESHADOW

Para maging bright at gising na gising ang ating mga mata, gumamit ng cream eyeshadow. Pumili ng shade na pinakamalapit sa skintone mo. I-blend ang eyeshadow mula sa lashline pataas hanggang sa mag-fade ito malapit sa iyong eyebrows.

Puwede ring maglagay ng lighter shimmery shade sa inner corners ng mata para lalong maging bright at wide-awake ang iyong mga mata.

Isa pang tip para maging bright hindi lang ang iyong mga mata kundi pati na rin ang buong mukha, gumamit ng eyedrops na panlaban sa redness. Kapag clear kasi ang puting bahagi ng mga mata, lumiliwanag ang buong mukha. Ito ang sikreto ng mga makeup artists para magmukhang fresh ang mga artista kahit puyat o walang tulog ang mga ito mula sa shooting.

I-CURL ANG LASHES

Napakahalaga ng pagcu-curl ng lashes dahil binubuhay nito ang mga mata. Maaaring gumamit ng clear mascara para mapanatili ang curl pero natural pa rin ang dating. Kung maiikli ang pilikmata at gusto mo iyong pahabain, maaring gumamit ng tinted mascara pero sa dulo lang ng pilikmata iyon i-apply.

CLEAR BROW GEL PARA SA IYONG KILAY

Kalimutan muna ang mga plakadong kilay, clear brow gel lang ang gamitin para maiayos ang kilay pero natural pa ring tignan.

KALIMUTAN MUNA ANG POWDER BLUSH, CREAM BLUSH ANG GAMITIN

Maaaring sanay ka gumamit ng powder blush sa tuwing nagme-makeup ka pero i-set aside mo muna iyon kung gusto mo ng natural-looking glow. Sa paga-apply, puwede kang gumamit ng synthetic bristled brush o gamitin ang iyong mga daliri. Magsimula sa apples ng cheeks at i-blend pataas sa hairline. I-focus ang blush sa apples ng cheeks para sa youthful look.

HUWAG KALIMUTAN ANG HIGHLIGHTER

Para lalong maging bright ang iyong look, maglagay ng kaunting highlighter sa ibabaw ng cheekbones. Huwag damihan para magmukha pa ring natural ang iyong look.

GUMAMIT NG LIP TINT

Kalimutan muna ninyo ang mga paborito ninyong matte lipsticks, kung no-make up look ang gusto ninyong ma-achieve, lip tints ang gamitin. Pero bago iyon ilagay, siguraduhin munang na-exfoliate na ang mga labi at na-moisturize na. Gawin iyon habang ina-apply ang skincare routine para mababad sa labi ang lip balm/lip moisturizer. Nakakatulong kasi iyon para gawing soft, rosy and plump ang lips.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here