MGA DAPAT AT HINDI DAPAT SA OFFICE MAKEUP

Ang sobra at hindi tamang makeup sa trabaho ay maaaring magdulot ng distraction sa iyong mga superiors at colleagues, baka mahirapan silang makapag-focus sa iyong professional abilities. Kaya alamin ang mga dapat at hindi dapat sa office makeup para magmukha ka pa ring appealing pero professional pa rin ang dating.

MGA DAPAT:

-Maghinay-hinay sa paglalagay ng mascara sa iyong pilikmata. Sa paraang iyon ay makakaiwas na magmukhang sobra ang iyong eye makeup. Isang coat ng mascara ay sapat na para ma-enhance ang iyong pilikmata. Sa paglalagay ng mascara, magsimula sa base ng pilikmata, i-roll ang wand habang tumataas ang paglalagay hanggang makarating sa tips ng pilikmata. Makakatulong ang technique na ito sa paghihiwalay ng mga lashes habang pinahahaba iyon.

-Neutral pink o peach lip color ang ilagay sa labi kung papasok sa opisina. Sapat na ang kulay na iyon para mabuhay ang iyong mukha pero hindi pa rin mukhang loud. Bagay din ang lip color na ito kahit sa morning meetings. Iwasang patungan iyon ng gloss.  Pumili na lang ng hydrating at long-lasting na lipstick para hindi magmukhang dry ang lips pag patapos na ang working day.

-Pumili ng neutral pink blush para magmukhang healthy pero hindi overwhelming.

-Kung gusto mo ng fake glow makeup look, gumamit ng matte bronzer at i-blend iyon hanggang hairline gamit ang large makeup brush para maging polished at office-appropriate ang finish.

-I-polish ang iyong looks sa pamamagitan ng paga-apply ng konting liner sa iyong mata. Hindi mo kailangan ng eyeliner. Gumamit ng simple at natural na shade ng eyeshadow at i-apply gamit ang thin brush para sa natural finish. Puwede mo ring basain ang brush bago i-dip sa eyeshadow, magiging long –lasting at defined ang effect nito pero hindi pa rin ganoon ka-intense dahil natural shade ng eyeshadow ang ginamit mo.

MGA HINDI DAPAT GAWIN:

-Huwag gumamit ng mga foundation na may heavy coverage. Hindi mo gugustuhing mag-cake up ang foundation mo in the middle of the day. Pumili ng mga foundations na may sheer or light coverage para ma-enhance mo ang iyong natural skin imbes na takpan iyon.

-Huwag gumamit ng false eyelashes kapag nagme-makeup papasok sa opisina. Mamaya hindi pala masyadong effective ang glue mo at bigla na lang malaglag ang falsies mo sa gitna ng meeting o conference call. Dyahe diba? Kaya i-save na lang ang falsies kapag pa-party kayo ng friends mo.

-Habang naghahanda para sa trabaho, huwag sumubok ng mga beauty products na maaaring makapagpabago ng iyong complexion. Ang mga ganoong eksperimento ay dapat ginagawa tuwing weekends para kung may hindi magandang reaksyon ang iyong balat sa produkto, puwede kang magtago lang sa loob ng bahay. Kung nangyari kasi iyon sa araw ng pagpasok sa opisina, baka mabahala ka lang sa itsura mo at sa reaksyon ng mga tao sa paligid mo at hindi ka pa makapag-concentrate sa iyong tasks.

-Huwag gumamit ng mga frosted o glittery lipsticks. Ang mga ganoon kasing kulay ay nakaka-distract at hindi bagay sa opisina. Gamitin mo na lang ang lipstick na iyon sa Saturday night party na pupuntahan mo.

-Huwag i-overdo ang dark eye makeup. Ang smoky at raccoon eyes ay hindi flattering at baka isipin pa ng mga kasamahan mo na natira iyong makeup mula sa pagpa-party mo noong nakaraang gabi. Baka maging dahilan pa iyon ng distraction sa boss mo at hindi nito magawang tumingin nang diretso sa mga mata mo habang kinakausap ka.

-Huwag palalampasin sa brow line ang eye makeup kapag papasok sa trabaho. Magmumukha kasi iyong overdone at hindi bagay sa professional environment. Pumili ng mga soft, neutral colors tulad ng champagne, soft brown. Kalimutan mo muna ang smoky at glittery, frosted shadows. Gamitin mo na lang iyon sa mga parties na pupuntahan mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here