Ano ang Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS)?

Ang Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) ay isang hormonal disorder na nararanasan ng maraming kababaihan. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay isang hormonal imbalance na nanggagaling sa isang cerebral level. Tinawag ang kondisyon na ito na Polycystic dahil karaniwang may cysts ang obaryo ng mga babaeng may PCOS. Tandaan na hindi cancer ang mga cysts na ito.

At dahil irregular ang regla, puwedeng kumapal ang lining ng matres. Para hindi mauwi sa endometrial Cancer o Cancer sa lining sa matres, huwag mo ito pabayaan.

Ang mga sintomas nito ay:

  1. Mahirap na buwanang dalaw. Madalas, hindi regular o humihinto ang regla.
  2. Hirap na pagbubuntis o pagkaka-anak. Hindi ibig sabihin na may PCOS ang isang babae ay hindi na siya magkaka-anak. Sa tamang pagpapa-gamot, matutulungan din siya sa proseso ng pagkakaroon ng anak.
  3. Pagkakaroon ng taghiyawat (acne).
  4. Pagtaba (karaniwan na lumalapad ang waist line o ang tinatawag na abdominal obesity kung saan mas maraming taba sa may baywang). Pero puwede ring magkaroon ng PCOS ang babaeng payat o normal ang timbang.
  5. Sobrang buhok sa mukha o katawan (ito ay karaniwan nasa mga parte na kadalasang walang buhok ang babae, tulad ng sa ibabaw ng labi parang bigote o sa dibdib).
  6. Pagnipis ng buhok (tulad ng pagkalbo sa mga lalaki).
  7. Tinawag ang kondisyon na ito na polycystic dahil karaniwang may cysts ang obaryo ng mga babaeng may PCOS. Hindi kanser ang mga cysts na ito.

Kung napapansin mo na mayroon ka sa mga sintomas na ito, agad ka magpatingin sa isang OB-Gyne. Huwag magkaroon ng ganitong disorder dahil gumagaling ito, lalo kung tutulungan mo ang sarili mo sa pamamagitan ng:

  1. Pag-eehersisyo araw-araw.
  2. Pag-kain ng balanced diet. Ayon sa pag-aaral, ang pinaka-epektibong diet na pwedeng gawin ay ang vegan diet, kung saan puro gulay at walang gatas or dairy ang kinakain.
  3. Pag-iwas sa matatamis na pagkain.
  4. Kailangan tulungan mo rin ang sarili mo na maniwalang gagaling ka. It’s all in the mind.

Dalawa lang ang kailangan mong gawin upang mawala ang iyong PCOS. Pero kapag hindi mo inalagaan ang sarili mo, maaaring umabot sa ibang komplikasyon ang iyong disorder katulad ng:

  1. Diabetes
  2. Depresyon
  3. Sleep apnea
  4. Mataas na lebel ng kolesterol
  5. Alta Presyon
  6. Sakit sa Puso

Katulad ng Diabetes, wala pang gamot para gumaling o mawala ang PCOS pero may mga gamot na puwedeng ibigay ang doktor para umayos ang buwanang dalaw at pagbubuntis.

Kailangan din ng tamang pagkain at ehersisyo para pumayat at maiwasan ang diabetes at maging normal ang level ng kolesterol. Puwede ring magreseta ang doktor ng gamot para sa diabetes at kolesterol.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here